Sunday, February 25, 2024

Ancajas Talo Kontra Inoue Via Body Shot Knockout

Ang dating kampeon na si Jerwin Ancajas (34-4-2, 23 KOs) ay dumanas ng matinding pagkatalo sa kanyang pagtatangka na mabawi ang WBA bantamweight title, na bumagsak sa isang mapangwasak na ninth-round body shot knockout laban kay Takuma Inoue (19-1, 5 KOs) sa Kokugikan Arena.

Nagsimula ang laban na kontrolado ni Inoue, tumatama ang kanyang kanan at kaliwang mga suntok at kontrolado din ang bilis. Kilala naman si Ancajas na southpaw at counterpunching pero nahirapan mahanap ang kanyang rhythm. Gayunpaman, nagpakita siya ng katatagan sa mga sumunod na round, partikular na sa ikawalo, kung saan nakatuon siya sa pag-atake sa katawan ni Inoue nang may kaunting tagumpay.

Para kay ancajas, ito ang ikaapat na pagkatalo niya sa huling limang laban niya. Kailangan niyang mag-regroup at istratehiya sa susunod na hakbang upang tumaas muli sa kanyang divison.

Nagpahayag naman si inoue ng interest ng matchup sa mga champion tulad nila Casimero at Donire.

No comments:

Post a Comment

Nuggets Overcome 19-Point Deficit to Stun Mavericks in Dallas

Dallas, TX – At the American Airlines Center, the Denver Nuggets managed an exciting comeback victory over the Dallas Mavericks 112-101. The...