Natagpuan nang walang buhay ang 49-anyos na magsasaka na si Rodrigo Bellana sa Sitio Arado 1, Barangay Poblacion, Taytay, Palawan kaninang umaga, Pebrero 21.
Ang katawan ng biktima ay natagpuan sa loob ng kanyang pansamantalang tirahan, isang tent, ng kanyang kaibigan. Agad na dinala ang bangkay sa morque upang isailalim sa autopsiya.
Ayon sa PNP, posibleng dahil sa cardiac arrest ang ikinamatay ni Bellana. Ipinapasa-Diyos na rin ng pamilya ang kanilang kinikilanling pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.
No comments:
Post a Comment