Walang dapat ipangamba ang mga retiradong empleyado ng gobyerno at mga sundalo, ayon kay House Deputy Speaker David Suarez.
Bagamat may mga ulat na nagpapahayag ng pagbawas sa pondo ng pensyon sa ilalim ng 2024 national budget, naniniwala si Suarez na sapat ang alokasyong pondo para sa kanilang pensyon.
“Walang dapat ikabahala ang mga retiradong government at military pensioners at kanilang mga kaanak. Intact at sapat po ang pondo para sa kanilang pensiyon,” pagtitiyak ni Suarez.
Ayon sa kanya, may sapat na reserbang pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga retirado.
Sa kabila ng mga ulat na nagpapakita ng tinapyasang pondo para sa pensiyon ng mga nagretiro sa pagseserbisyo sa gobyerno, iginiit ni Suarez na maayos at naaayon sa tamang proseso ang ginawang pag-audit at pagbabago sa budget.
Sa kanyang pahayag, pinagtibay niya ang kumpiyansa na ang sapat na pondo ay magiging tugon sa pangangailangan ng mga retiradong empleyado at sundalo.
No comments:
Post a Comment