Sa isang eksklusibong panayam, iginiit ng Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang posisyon na hindi kinikilala ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas. Hindi umano maaaring ipatupad ng ICC ang kanilang mga ebidensya hinggil sa human rights violations sa bansa.
Sa pahayag ng Punong Ehekutibo, hindi ito isyu ng ebidensya kundi ng hurisdiksyon. Bagamat bukas ang Pilipinas sa pagtanggap ng mga ICC investigator, iginiit ni Marcos na aaksyunan ng pamahalaan ang anumang illegal na hakbang ng mga ito.
Ang pahayag ay naglunsad matapos ang survey ng OCTA Research na nagpapakita na 55% ng mga Pilipino ay pabor sa pagsasagawa ng ICC imbestigasyon sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
No comments:
Post a Comment