Sa matapang na pahayag ni Justice Sec. Boying Remulla, iginiit ng Gobyerno ng Pilipinas na hindi sila papayag na maging tahimik sa alegasyon ng cyanide fishing sa West Philippine Sea.
Ayon kay Remulla, laban sila sa anumang iligal na pamamaraan ng pangingisda na maaaring makaapekto sa ating likas na yaman at karapatan ng mga Pilipino.
Hinahanda ng Gobyerno ang ebidensya para sa posibleng legal na kaso laban sa mapanirang pangingisda. Isinapubliko ni Remulla ang kanilang desisyon pagkatapos ng pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na handang magsampa ng kaso laban sa China sakaling mapatunayan ang cyanide fishing."